"I am he as you are he as you are me and we are all together."
Hello, welcome to my blog. The name's ANDREA MARCHADESCH. That's pronounced |MAR-CHA-DESH|. You can call me ANDREA or ADA. People usually call me Ada. I've been using Tumblr since November '08 same as when I started my lame ass Twitter. I started my Tumblr and my Twitter because I wanted to stalk William Beckett online...haha just kidding. I just wanted to be updated. Heck, I even started my Facebook, LJ and PureVolume early on because of The Academy Is... But, I have been on Tumblr before William started his blog because of Travis McCoy. Anyways, I've just started my freshman year at UPLB. I'm studying Development Communication.Maynila: Sa mga Kuko ng Lagim
o Katapusan na ng Mundo, Nagbabasa Ka Pa Rin ng Pelikula
By nansan
Mondomanila (2010)
D: Khavn de la Cruz
S: Timothy Mabalot, Marife Necesito, Palito, Whitney Tyson, Stefan PunongbayanGanito ang katapusan ng mundo. Si Khavn ang isa sa mga propeta, isa sa milyon-milyo pa. Kasingkapal ng bibliya ang buong kuwento. May engrandeng koro. Si Claire Danes ang putang babatuhin hanggang mamatay. May tumutugtog na Samba habang lumalapit ang kamera sa minamahal mong
bahaybasura. Magwawagi ang kasamaan. Ang mga tao—mapupunggok, mapuputulan ng kamay, at makukuntentong kumantot ng pato. Parang ngayon lang rin.Ang pagiging tanggero, magbabalot, jakulero, pulubing hardcore sa kanto ng EDSA at Kamias, tagapagpautang ng payb-siks, may-ari ng paupahang bahay, squatterpunk, mutineer, rapper, taga-shine ng sapatos, at maninilip—pinangangatawanan pa rin. Uso pa rin ang sex, drugs, and ultraviolins. Inaapi pa rin ang mga baklang boses kiki. Wala pa ring abs ang mga tunay na lalake. Marami pa ring anak ang mga tanging ina. Kinakantot pa rin tayong patalikod ng mga puti. Mas mabuti pang sunugin ang lahat—“para malinis lahat ang di kayang linisin ng ulan.”
Wala nang maikukuwento pa dahil wala nang kuwenta. Nagkokombo si Palito sa ibabaw ng bubong ninyo. Wala nang tutubuang lupa. Mama mo ang mama-san mo. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, Brocka. Paalam, paraiso. Paalam, Aking Bulalakaw. Wala nang tubig. Wala nang pagkain. Eh di magsayaw na lang tayo.
Artwork by Dante Perez